I love doing random stuffs sa facebook. Reading blogs na maganda/weird yung subject title, posting, reposting, browsing profiles ng ibang tao. Then one day, may isang post na in demand sa newsfeed ko. Nung una tiningnan ko lang tas ni-close ko din agad. Mahaba kasi sya masyado basahin para sa tinatamad kong utak. So after nun browse browse ulit, hours later nakakalat pa din yung post nya sa newsfeed at this time, 2 posts na sya. At since nirerepost na sya ng mga close friends ko, I decided na basahin na lang din yung post. “Treat your girl right bro” ata yung title nung una.
Nagandahan ako kaya nirepost ko na din after. Binasa ko din yung isang post. Nirepost ko nga din yun. Out of curiousity, tiningnan ko kung sino yung author nya. Pareho lang ng author yung 1st at 2nd post na binasa ko. Nothing extraordinary sa profile nya. Pero dahil after ilang araw, in demand padin sya kinalkal ko na yung account nya. Stalker alert eh! Haha! E si author naman open for all people ang profile. View wall ang una, information next. (hmm nurse si kuya! Haha!) tas pictures last na tiningnan ko. Basta next thing I know inadd ko na pala sya! At ilang oras lang friends na kami. :)
After nun, for unknown reason, everytime na online ako, my sariling tab ako for his profile. Wala lang, reading new posts, liking at commenting sa mga posts na nakaka-relate ako (halos sa lahat naman nakarelate ako e! Haha!) To the extent na inaasar na kong fan daw ako ni author. Pag ganun ba fan agad? diba pwedeng nakaka-relate lang? Lol. Basta ganun everyday. Finollow ko sya sa twitter pati tumblr. One time pa nga tinag ko pa sya sa post ko e! Sabi ko ata ito.. “para kang imagination lang. :) yung tipong mga character na sa mga novels mo lang maeencounter. :)” Something like that tapos nilike/comment sya dun. Di ko lang matandaan yung reply eh. Haha. Pero yun, biglang isang araw naisip ko gusto ko na sya makita. Hehe.
Kinwento ko sya sa barkada ko. Sabi ko may crush ako kaso may problema. Hindi sya yung ideal na crush namin. Cute pero hindi gwapo. Payat, weird, nerd! Haha. Basta hindi mo iisipin na crush ko yun. Lol. (pis!) Tas sabi nila ‘e bakit mo crush?’ sabi ko… ‘e kasi nacaptivate ako nung mga posts nya e! Bat ba! Haha! Magaling kasi sya sumulat dude!’
FEB 15:
Pagkakataon nga naman, itong tita ko inaya ako na mag apply. Nung tinanong ko kung saan.. BOOM! Sakto! Dun yun sa company kung san nagwowork si author. Pagkakataon nga naman! Pagdating ko dun naghanap ako agad ng payat na nakasalamin e! Yung mukha daw intsik na nalugi sabi ng isang friend ko. Haha! Sabi ko nung araw na yun sa sarili ko, aayusin ko talaga pag-aapply dito. Pag ako natanggap dito soulmate ko sya.. E kaso pampam yung HR. Haha! Super nafrustrate ako nun di ako natanggap e. Pero I told myself na one day! Magkikita kami isang araw!
FEB 16:
My interview ako that night. Pero sobrang depressed ako nun. Tas sakto online sya. Nagpapampam nalang ako sa wall nya. Which pinatulan naman nya. He pm’d his number kasi mag offline na daw sya. ^____^ Yan yung itsura ko nun.haha!
Nawala yung kaba ko para sa interview, yung lungkot ko nabawasan. Kada reply nya.. Shet! Kinikilig ako! As in! Haha..Kinoconsider kong sya yung lucky charm ko nung gabing yun kaya ako natanggap dun sa work ko…
FEB 17:
I have this ex suitor na unfortunately hindi magaling sa pagiging civil sakin. Humingi sya ng tulong kay author to win me back. Kahit alam naman nya standing nya sakin. Pero naresolve ko naman agad yun. Ginawan ko talaga ng paraan para maayos syempre. Feeling ko tuloy kinaibigan lang ako ni author kasi tutulungan nya si ex suitor. TSK!
FEB 18:
Medical ko sa shang.. E malapit lang sa work nya yun.. Alam na! Yea right. Pumunta sya dun. Finally… Nagkita kami.
Nagulat ako nung nagkasalubong kami nihug nya ko. Yiee. Napangiti nalang ako e. I enjoyed the day kasi mas madaldal pa sya sakin e. Siguro may 4 hours din sya nagsasalita. Haha! Hinatid nya ko sa bus station nung pauwi na ko at yun.. Hug ulit!! Hay! Haha. Pag uwi ko hesitant ako itext sya. Sabi nya kasi uncomfortable daw sya kapag text ng text sa kanya e. Pero sabi nya just feel free to text him daw. Tinatawag ko syang mushroom lagi kasi bigla nalang sya nawawala. Haha!
Ay! Magbestfriend nga pala kami ah! Just so you know guys.
March 4:
Nagkita ulit kami. Sabi ko help nya ko sa goals ko for that day since lazy day naman nya yun. its been a very long day.. Six malls ata pinuntahan namin kakahanap ng BEST OF ME ni Nicholas Sparks na ayaw pahanap at sa choco honey dipped na d din nagpakita. Haha. Mas frustrated pa sya sakin. PRAMiS! Haha.. We watched ‘Unofficially Yours’ as well.
All in all, yung araw na yun was close to perfect. Di ko alam kung paano eexplain yung feeling e. Di ko din alam kung yung weird na nararamdaman ko was the same dir sa nararamdaman nya. (kung meron man.) Pero basta… Gusto ko lang yung nangyayari, masaya, no pretentions, yung kuntento lang, di umaasa for something na better pa dun. Aware ako sa Bestfriend thingy.
March 11:
Wala si bes. Pero sabi ko sa kanya hintayin ko sya umuwi from that event. Online pm nalang sabi ko.
March 12:
Around 1 or 2 am na ata sya nag online. I asked how was the party, and suddenly naging seryoso ng kaunti yung
conversation namin..
- “I hope you don’t take this the wrong way, but the whole time, I kept thinking how awesome it would’ve been if YOU were there with me and when they kept grinding, it was you I was imagining.. haha I’m messed up.”
- “I don’t think I’d bear to see you in another guy’s arms.”
- “khet sobrang obvious na I feel a lot more for you than being just a bestfriend.”
- “and of all people, ikaw ang ayaw ko ma-disappoint.”
- “i don’t wanna lose you.”
- “while I was sitting there, imagining you I saw a girl dancing with a guy and since iniisip kita, I magined you were the girl dancing with the guy and I was like “shit. di pde yan” muntik nko lumapit, then naalala ko nagiimagine nga lng pla ako dun ko narealize, mssktan ako pag may nauna sken sa puso mo.”
- “pwede magtanong? simple lng nmn di nmn sya mahirap sagutin. do you imagine a future, na together tayo?”
.
.
.
.
.
.
Natatawa..
Kinikilig..
Basta! Unexplainable yung feeling na yun. Pero he’s a bit drunk that night kaya pinatulog ko na muna sya hindi padin kasi ako makapaniwala. Pero pag gising ko overwhelmed padin ako. Haha. Hindi naging kami right after. Gusto ko mag isip at maging sure kung ano isasagot ko sa kanya. Medyo pakipot? Yea, pwede na din. Mag bestfriend nga kasi diba..
MARCH 13:
Ordinary day. Pagdating ko sa office, log in, tas online agad. I was waiting for him na makauwi since sabi nya pauwi na sya. Kaso bigla sya nagtext na nandun sya sa baba ng building namin. Eh! Gulat much ako! When I asked kung bakit sya andun sabi nya “this can’t wait na kasi” sabay may kinuha sa bag then BOOM! Regalo. Bakit? Anu meron? Ewan ko din dun. Haha. 30 minutes lang siguro sya nagstay dun kasi takas lang naman ako sa taas e. If curious kayo about the gift, kung naalala nyo earlier yung book na hinahanap namin (BEST OF ME). Yan! Ewan ko ba dun kung bakit binili nya yun. E mahal nga di ko binili e. Haha. Pero super natouch ako dun a. Yung fact na pumunta sya sa eastwood para makita ko. ^_^
March 16:
He told me na may changes sa next date namin, which supposed to happen sa 24. That day ko sana sabihin yung
thought ko about sa mga sinabi nya sakin last time. E fail. So nag isip ako kung pano yun. Nung pauwi ako from work, I
decided na sa 17 nalang.
March 17:
Supposed to be pupuntahan ko sya sa office nya. Sabi ko may badnews and i wanted to tell it personally. Pero ang totoo, gusto ko lang naman makita yung reaction nya sa sasabihin ko.. Kaso… Kaso ang FAIL! Nakalimutan ko team building pala nila after shift. Errr! E since nasa mindset ko na yung date na yun, tumawag nalang ako/sya. Swear to God I find it really hard na magseryoso dun sa conversation. In the middle bigla nalang ako tatawa ng tatawa. Baliw lang. Haha. Pero yun, finally, Nasabi ko. Sabi ko “Badnews bes.. Kasi simula ngayon.. Kasi ano e.. Dapat sa March 24 pa. Pero no choice. Tas ang fail pa today. Yun plans ko failed. Tsk. So yun.. Starting today,March 17.. Badnews kasi Hindi ka na single e.” Yaaaaaaaaaaan!! After nun ewan ko anu na mga nasabi nya. :)) Super kabado ko that time, ewan ko ba kung bakit haha. Pero yun. Kami na po ng bestfriend ko. :)
JUST A THOUGHT:
Naisip ko lang na ishare. ^_^
Baka one day makatulong to kung pano nyo didiskartehan yun taong sa present hndi mo naisip na pwede palang maging kayo. Everything is possible. Hindi ko to inasahan, though oo naiisip ko yun nung una. But it never crossed my mind to risk the friendship. Nangyari nalang. Happy! Si author, si crush, si soulmate, si bes.. Yung fate ko.. Iisa lang po sila.. LOOOOOOVE. ^_______^